XII
Weird Day
A man in white clothes was running so fast, panting
and seemed so distraught. He was shouting but soundless! He shouted over and
over again but he heard nothing.
Then a horrible laugh deafened
him, it was almost like thunder.
A soul eater! A monster! A devil! Those were how he
could give descriptions to this mysterious creature that had been so eager to
kill him.
He continued running. He was surrounded by
darkness.
There was a shadow that had been chasing after him.
He heard whispers all around…
The moon became dark…
Then blood spread everywhere….and a
woman appeared in front of him that kept on telling him to run….run…
Wake up!
Wake up!
******************
“Gising
na! Umaga na! hijo gising na!”
“’WAG!!
‘WAG!!!” Napasigaw ako at dagling napabangon mula sa pagkahiga habang
ginigising ako ng aking lola. Kinakapos ng hinga at tadtad ng pawis sa nuo at
ilong. Bangungot.. wika ko sa aking
sarili ng nahimasmasan ako at nakita ko ang maamong mukha ni lola at hindi ang
aninong humahabol sa akin sa panaginip.
“Oh
ano na naman iyan, binangungot kana na naman ba?” pag-aalalang sabi ng aking
lola na marahang umupo sa kama at hinihimas-himas ang likod ko. “A-ano na naman
uli ang napaginipan mo?” dagdag niya.
Tahimik
na tumingin lang ako sa mga mata ni lola, at ang titig na iyon ay alam kong
alam niya ang ibig sabihin ‘nun.
Napabuntong
hininga si lola at pagkatapos ay nagwika, “Ang mga anino na naman ba?”.
“Opo.”
Tipid kong tugon sa kanya sapagkat hindi ko na kailangan pang idetalye ang
panaginip kong paulit-ulit nalang bumubulabog sa akin halos araw-araw; sa
hating gabi, ng madaling araw o kahit bago pa ako magising sa umaga na wari nagiging
alarm clock ko na ito kung baga.
At
sa tuwing ikinukwento ko ito kay lola ay lagi niyang sasabihin, “Panaginip lang
iyan apo…” pagkatapos ay babalutin niya ako ng kanyang yakap. Ang tanging yakap
na laging nagpapagaan ng aking kalooban
at nagpapabagal ng tibok ng puso kong daig pa ang drum sa lakas ng pagkabog.
Sa
gitna ng katahimikan, ay binasag ko ito ng aking malalim na hiningang kumawala
sa naninikip kong dibdib.
“Lola anong oras na
po?”
“AY naku tama.. magsi-six
na at kailangan mo ng bumangon dahil maliligo ka pa at mag-aalmusal…”
pagmamadaling wika ni lola na ang boses ay napapaos.
“heehee!” napangiti
ako sa kanya. “Relax lola….”
“At anong
ningit-ngiti mo diyan? Ahmm, Huwag mo sabihing-…”
“Sige
na lola.. please?” pakiusap ko sa kanya habang kinisap-kisap ko ang aking makikislap
na mata at iginuhit ang napakatamis kong ngiti sa aking mga labi dahil alam
kong madadala dito si lola. Indeed, I’m so damn irresistible!
Napailing
lamang si lola sa akin na ang ibig sabihin, “OKAY!” sigaw ko sabay lundag sa
kama at tinumbok ang kinatatayuan ni lola upang yakapin siya at bigyan ng matamis
na halik sa pisngi. “muwah!”
Malamig
ang panahon sa araw na ito lalo pa’t umaambon kaya naman masaya ako dahil
pinayagan ako ulit ni lola na HINDI maligo. Ayaw ko talaga ng malamig na tubig,
at lalo na sa umaga pero hindi ibig sabihin niyan na hindi na ako naliligo.
Aba’y naliligo naman ako kaso pag ganito kasi ang panahon hindi ko nakakayanan
ang lamig ng tubig, kaya minsan kailangan pa mag-init para ihalo sa isang baldeng
may malamig na tubig. At sa araw na ito, hilamos, hugas sa paa at toothbrush
lang ang mangyayari. I like it!
Ilang
minuto lang ang lumipas at natapos narin akong makapagbihis ng school uniform
namin. Wala kaming plantsa pero hindi naman masyadong gusot ang uniform ko, at
dahil nga sa paging resourceful nakatulong din ang kama kong yari sa kawayan at
matigas na unan. Kasi bago ako matulog sa gabi ay sinisigurado ko munang ilagay
ang tinuping uniform ko sa ilalim ng unan upang pagkaumagahan ay maala-plantsado
na ito. Hanep!
Lumabas
na ako ng kuwarto, at nakahanda narin ang almusal sa hapag-kainan; tuyo, itlog
na may kamatis, at higit sa lahat ang mainit na sikwate. Nakita ko rin si lola
sa maliit naming sala na hinahanda ang mga kakanin niyang ibibenta sa palengke
habang umuusok naman ang nilikit na tabako sa bibig niya.
“Oh,
am mbilis huh!” sambit ni lola na may tabako sa bibig at nagpalingun-lingon sa
ulo nito.
“hehe..
Naman!” galak na sagot ko na may yabang ang tono. Umupo na ako sa mesa at
sinimulang hinigop ang mainit na sikwate. Ganito talaga ako inuuna ang walang
katumbas na sikwateng tinimpla ni lola para sa akin. “Wow! Lola ang sarap
talaga ng sikwate mo kahit kelan!” giliw kong sambit sa kanya na talagang
walang halong pambobola dahil totoo namang masarap para sa akin ito.
“Naman!”
pagmamayabang ganti ni lola sa akin.
At
sa simpleng usapang iyon ay namayani sa amin ang tuwa at masayang araw sa
kabila ng maambon na panahon.
Ilang
sandali pa ay nakahanda narin kami ni lola at tamang-tama pahinto na rin ang
ambon. Bago siya tutungo sa palengke ay hinahatid muna niya ako sa paaralan
gamit ang kanyang lumang bisekleta. Dalawampung minuto ang tinagal sa
pagpapadyak ni lola ng kanyang bisekleta bago namin marating ang San Fernando
Central Elementary School. Siya kasi ang nagmamaneho, at hindi niya gusto na
ako dahil ika nga para sa kanya siya ang matanda. Hindi naman siya masyadong
nabibigatan sa akin dahil payat naman ako.
Sa
pisikal na anyo ay masasabing matanda na nga ang lola ko, halata na ang mga
kulubot sa balat at namamayani na rin ang mga puti niyang buhok sa ulo, pero sa
anyo lang iyon dahil sa tibay at lakas ng buto ay mas malakas pa siya sa
kalabaw at dito ako nabibilib sa kanya. Matibay!
Bumaba
na ako mula sa pagkakasakay sa upuang nasa likod ng bisekleta ni lola habang
ang kanyang mga panindang kakanin ay nasa harap nakalagay sa isang basket na
itinali sa manubela.
Nagmano
at humalik ako sa kanya bago ako nagpapaalam.
Tatalikod
na sana ako ng bigla niya akong tinawag.
“Virgel!”
Dagli
akong napalingon.
“Yes,
lola Paring?” pabirong tugon ko din sa kanya.
Gumaan
ang loob ko ng masilayan ko ang napaka-aliwalas niyang ngiti sa akin.
“Ang
baon mo apo” wika niya sabay abot sa tatlong pesong pabaon niya sa akin.
“hehe!
Lola.. may pera pa po ako dito hindi ko kasi nagasta ang baon ko kahapon dahil
nilibre ako ng kaklase ko.” Nahihiyang paliwanag ko sa kanya at totoong hindi
ko talaga ginagastos ang perang binibigay niya sa akin, hindi lang ako bumibili tuwing recess dahil
may baong kakanin rin naman ako at araw-araw ang mga pabaong suman, sapin-sapin
at kutsinta ni lola ang siyang kinakain ko lang tuwing recess namin. Nakakaumay
na nga minsan kaya ginagawa ko binibenta ko nalang sa mga classmates ko eh di
nagkapera pa ako. Hanep!
Sinadya
ko talgang mag-ipon ng pera para sa mga projects at papalapit naming graduation
sa elementarya. Sapagkat payak lang naman ang pamumuhay namin at ayaw ko ring
makadagdag sa mga gastusin ni lola. Sapat na sa akin ang ako’y makapag-aral sa
tulong ng kanyang pagkakayod sa araw-araw.
“Ay
naku! Sige na apo kunin mo na toh!” pamimilit ni lola sa akin.
“Lola,
may pera pa nga po ako..”
“Apo
wag matigas ang ulo, sige na pambili mo nalang ng ibang pagkain sa tindahan
dahil alam kong nauumay ka na sa mga kakanin ko..” sabi niya na may pabiro sa
boses.
“Lola
talaga oh, sige na nga! Salamat la!” at wala nga akong nagawa kundi tanggapin
ito.
Tatalikod
na sana ako ng bigla ako ulit tinawag ni lola.
“Virgel!”
Nahinto
ako at marahang lumingon sabay buntong hininga, “Lola…ano na-“ natigilan ako ng
nakita kong hawak-hawak niya ang kwentas kong orasan na kulay ginto.
“Nakalimutan
mo kanina sa mesa..” wika ni lola na nakataas ang isang kilay ngunit kita ang
ngiti sa labi.
“Tama..
hehe nakalimutan ko..” at agad ko itong kinuha at isinuot sa leeg. “Salamat
la…”.
“O
sya tumunog na ang bell pumasok kana..”
“O-opo
la! Ingat po kayo!”
Dalawang
oras din ang lumipas at muling umalingawngaw ang tunog ng bell. Recess na… bulong ko sa aking sarili.
Habang
tahimik lang ako sa upuan ko at ang iba naman ay nagsisitayuan na sa upuan nila
para bibili ng pagkain sa canteen, maya-maya pa ay may biglang nagtiliang babae
sa labas ng classroom namin. Napapikit ako sa aking mata, at mariing
hinimas-himas ang nuo. I knew them. They are the fifth graders.
Nilingon
ko ang tatlo, na walang ekspresyon sa mukha. Istrikto ako eh kaya ganun. Pero
imbes na matahimik sila ay mas lalo pa silang kinikilig.
“naku..tumingin
siya sa akin…My gosh!” ambisyosang wika
ng isa sa kanila.
“Tse!
Ano ka siniswerte? Sa akin noh!” palag naman ng pangalawa na may mahabng buhok
at color pink na hair-band sa buhok.
“Girls…
akin lang siya.” Wika naman ng pangatlo na siyang kinatahimik ng dalawa.
Maaring ito ang nagsisilbing pinuno sa tatlo.
Hindi
nako nakatiis sa ingay nila, at lumabas ako sa room. Habang tinatahak ko ang
pintuan ay lalo kong nakikita ang palaki nilang mga ngiti. They’re all assuming
na lalapitan ko sila. Rinig ko na rin ang tawanan ng iba kong classmates sa
room. Pero dinaanan ko lang sila na parang hindi ko sila nakikita. Hindi sa
naging hambog ako pero ayaw ko lang talaga ng maingay at sa akin nakatingin ang
mga tao. Gusto ko ng tahimik.
Hindi
ko din naman hinangad na biyayaan ako ng guwapong mukha. Iyon ang totoo. Dahil
piling ko sa akin lahat tumitingin at kahit sa mga ale ay pinupuri ang hitsura
ko. Maputi kasi ako, may matingkad at malambot na buhok, maganda ang hugis ng
aking ilong at ang mga mata kong nakakakit dahil sa kulay brown ang balintataw
ko na bumagay naman sa angled shape kong kilay. Maamo daw ang mukha at
maaliwalas parang isang anghel. Ganito halos ang diskripsyon sa akin.
Pero
sa totoo lang ayaw ko ng ganitong level ng kagwapuhan. Tipong seryoso kasi ako
pagdating sa labas at sa ibang tao at gusto ko ako lang at si lola ko. Hindi ko
gusto na pinakikialaman ng iba.
Diri-diritso
akong lumayo sa tatlo, at hindi ko namalayan na may katagpo pala ako at hindi
ko sindyang mabangga ito. Pagkatapos ay kumalat ang mga aklat at notebook
nitong dala at tumilapon rin ang supot ko na naglalaman ng mga kakanin.
“S-sorry…sorry…
hindi ko sinasadya..” pagpapaumanhin ko sa kanya habang isa-isang pinupulot ang
mga notebook sa lupa.
Tahimik
lang ito na pinupulot rin ang iba niyang gamit.
Nang
matapos ay marahan na naming inangat ang aming mga katawan mula sa pagkakabaluktot.
Nang magkatinginan kami ay bigla akong nagulat na iba ang naging reaksyon ng
kasing edad ko na batang babae sa akin. Para itong balisa, at natatakot sa akin
kaiba sa reaksyon ng tatlong grade five students na di matigil sa pagpapansin
sa akin.
“S-salamat…”
maikling sambit niya at sumunod ay bigla itong lumayo at mabilis na naglakad.
Napagmasdan ko siya habang pumapalayo at nagtataka. Napabuntong hininga nalang
din ako ng mahanap ko ang aking baong kakanin sa lupa na kasing lapad na ng
piso.
Pero
hindi parin maalis sa isip ko ang naging reaksyon ng babae sa akin na parang
daig ko pa ang may ketong.
Pero ganun paman wala
akong pakialam kahit na nakakapanibago.
******************
Natapos
na rin ang klase.
Naiwan
ako sa daan na naglalakad. Tahimik ang kalsada at tanging ingay lang ng aso ang
aking naririnig sa malayo. Hindi ko alam at naninibago talaga ako sa paligid.
Kahit
saan ako lumingon parang walang tao, kahit na mga estudyante ay hindi ko narin
napapansin sa paligid.
Biglang
may dumaan na kulay itim na sasakyan, sinundan ko ito ng tingin, at nakita ko
itong huminto sa harap ng batang babae na nakabangga ko kaninang umaga. Sobrang
pagtataka ko na bakit hindi ko siya napansin kanina. Kahit sa malayo ay tanaw
ko ang ekspresyon ng kanyang mukha. Blangko.
Maya-maya pa’y
iniluwa mula sa itim na sasakyan ang isa ring babae, balingkinitan ang katawan,
maputi at nakasuot ng kulay itim na damit. Marahil siya ang magulang ng batang
babae.
Naramdaman
kong biglang nag-iba ang ihip ng hangin, nanlamig ako at lumakas ang tibok ng
aking puso na halos naririnig ko na ito. Nakatingin sila sa akin, hindi ko alam
kung bakit, siguro isinumbong ako ng bata na nabangga ko siya kanina. Pero hindi
ko naman iyon sinasadya. Pakiramdam ko talaga mas malalim pa dun ang rason ng
pagtitig nila sa akin. Sa ganoon ka blangko mga mukha.
Bigla
nalang akong nahimasmasan ng may humawak sa braso ko.
“Okay
ka lang ba?” wika ng babae.
“I-ikaw..?”
tanging tugon ko sa kanya ng mamukhaan ko siya. Siya yung isa sa tatlo kanina,
ang hinala kong pinuno sa kanila.
“A-anong
problema?” ngiting tanong nito sa akin.
“W-wala..”
wika ko naman sabay sulyap uli sa unahan kung saan ko nakita ang itim na
sasakyan at ang batang babae. Nasaan na
sila? Bulong ko.
“Ang
alin?” takang tanong niya sa akin.
“W-wala…wala…”
sagot ko sa kanya na may halong pagtataka.
Nagulat
nalang ako sa paligid dahil napansin kong maingay na ito uli at may mga
estudyante pa palang nakaksabayan kong naglalakad.
“Ako
pala si Cynthia..” basag niya sa akingpag-iisip. Halos di ko na napansin na katabi
ko na pala siya.
“Ah-“
“Virgel
tama?” diretsang sambit niya sa pangalan ko. Hindi nga naman kataka-taka at
kilala niya ako.
Ginantihan
ko nalang siya ng ngiti at pagtango sa ulo.
Hanggang
sa di kalayuan ay umalingawngaw ang pagwang-wang ng ambulansya.
Napako
ang tingin naming dalawa ni Cynthia sa papalapit na ambulance patungo sa
direksyon namin.
Bigla
akong nakaramdam ng kaba at kaakibat ng kabang naramdaman ko ay biglang pumasok
sa isip ko si lola.
“s-sige
Cynthia… maiwan na kita..” pagmamadali kong paalam sa kanya. Hindi ko na siya
inintay na magsalita at kumaripas na ako ng takbo upang tunguhin ang palengke
dahil hindi naman ito kalayuan mula sa paaralan namin, upang puntahan si lola
doon.