Author's
Note:
Haller!
Ayan. Kasalanan ko nanaman. Almost ilang weeks hindi nag-update. Grabe. Sorry
po :) Bibingo na ata ako senyo :D Sobrang depressed kasi talaga ako this
February. I thought magiging maganda kasi maganda yung simula. Yun pala ang
papangit ng ending. Una, break na kami ng jowa ko. Tae. Timer siya! Then,
nagka-jowa ulet. Kaso, di ko talaga kayang mahalin. Lande 'no? Haba ng hair!
Pangalawa, talo ako sa Student Council elections. Tangna. Lagapak nanaman ang
ekonomiya ng aming paaralan. Wala nanamang LEadership Award na matatanggap :D
Third, talo ko dun sa contest for Leadership Award. Grabe naman kase. Englishan
ang peg! Kung Tagalog yun, baka nanalo pa. Ayun. Lugmok ang buhay. Tsaka mga
ateh, Intramurals Week namin kaya! Foundation Ball pa! Ayan. Haggardo Versoza
nanaman. Di bale, malapit naman na ang vacation :D Free na time ko :D Niweys,
enough kwento. Eto na Chappy Fourteen. Maka-recover na kaya si Brian sa
amnesia? Haha! Sino kaya hanggang sa huli? Edward o Matthew? Although si Edward
na nga asawa niya diba? Remember? Flashback lang ang lahat ng ito, pero pwede
pang magbago in present time :) Edward parin kaya o Matthew na? Ewan natin :D
Promise,
eto na talaga :D Please do enjoy reading and leave a comment :) Alabshuuuuu
all! :D
Part
Fifteen
Bryan
Amnesia. Tangina. Napaka-common naman ng
sakit ko. Pero grabeng amnesia 'to! Kakaiba! Dalawang tao lang nakalimutan ko.
Grabe talaga.
Third
year college na ako. Sila Ate Sarah at Kuya Walter naman, graduate na. Iniwan
na nila ako. Pano nalang kung may gumulpi sakin dito? O kaya may mga babaeng
umaway sakin? Pano yan?
"Gurl,
can you still remember the monster?" sabi ni Bea
"Sino
naman yang monster na yan Bea? Cookie Monster ba?" si Naevia
"Gurl
anovah! Bianca and Company of course! Duh!" si Bea. Baklang bakla talaga
magsalita. Babaeng Bakla.
"Ah...
Si Bianca, Mariz at Dianne?" si Naevia naman. Familiar sila. Parang
nakilala ko na sila somewhere?
"Sino
yung mga yun?" takang tanong ko naman.
"Bakla,
sila yung mga naka-away natin dati. Anovaaahhh.."
"Speaking
of the bitches... here they come.." si Naevia.
"Ooohhh!
Hi there bitches!" bati agad nung Mariz ba yun?
"Hi
there babaeng bakla! Kamusta na? Oh! Walang pinagbago! Mukha ka paring bakla!
Bwahahaha!" si Naevia na inasar agad si Mariz. Totoo naman! Mukha talaga
siyang bakla. Ang kapal pa ng labi, mukhang monkey ;3
"Himala,
wala yata yung pokpok niyong bestfriend?" sabi ni Bea nang mapansin na
wala si Bianca
"Hindi
niyo ba alam----" pagkaputol ng sinabi ni Dianne
"Hindi
niyo ba alam, nag-Boracay kasi siya, ayun, absent..." sabat ni Mariz
"Wow
haaa... Bora? Almost 8 months? Bruha nga, nag-enjoy!" sarcastic na sabi ni
Naevia
"They
took a very long vacation.. May resthouse kasi sila don..." si Dianne
"Meron?!
Hindi halata! Sa mukha niyong yan?! Halatang sinungaling!" si Naevia
"Tara
na gurls, and gay, Haha! Mababaliw lang tayo sa kausap nating mga baktol...
Nyahahahaha!" si Bea. Ayun, alis na nga kami agad.
"Pero
teka, parang ang tagal naman niya diba?" sabi ni Bea habang naglalakad
kami
"Kaya
nga eh... Yun din ang pinagtataka ko... Baka naman---" si Naevia
"PATAY
NA! Bwahahahaha!" si Bea
"Gaga!
Bakla ka talaga, baka naman na-jontis..." si Naevia
"Siraulo,
JONTIS?! Eh wala ngang jowa yung shokpok na yun, sinong titra dun?!" si
Bea
"Wala
mo! Na-gang bang pala! Okaya, na-rape! Na-rape habang naglalakad o kaya ni-rape
ng Kuya o Tatay!" si Naevia
"Grabe
ka teh! Lawak ng imahinasyon mo! Malay mo! Nagka-buni! Sa mukha tumubo!"
si Bea
"Hay
nako... Tigilan na natin yan, magsisimula na yung klase o---" takte.
Lumilindol ba?!
"Hoy
bakla!!! Anyare sayo?!" sabi ni Bea nung bigla akong napakapit sa kanya
"Nahihilo
ako gurl... Kumirot bigla yung ulo ko..." shutengines. Parang si Kidlat
yung dumaan sa veins ng utak ko.
"Tara
na, dun ka na sa classroom magpahinga..." sabay akay sakin nila Naevia
Hindi
ako makapag-focus sa lessons namin. Ewan ko ba! Iniisip ko kasi yung mga
pinagusapan namin kanina.
Gurl... Pati ba si Bianca nakalimutan mo?
Sis hindi... Kilala ko siya...
Eh bakit hindi mo maalala?
Ang alin ba? May nangyari nanaman
bang issue samin bago ako magka-amnesia?
Oo, meron. Hindi mo ba talaga
maalala?
Hindi nga... Aray!
Bwakangina naman talaga. Ang sakit ng
ulo ko!
"Bes, gala tayo mamaya, treat ko
:)" sabi nung papel na lumapag sa harap ko. Tinignan ko sa likod, si
Matthew, naka-ngiti.
Oo,
Bes ang tawag niya sakin. Sabi kasi ng sources ko, mag-bestfriend DAW kami. Oo,
isang napakalaking DAW. Nagka-amnesia nga devah? Kaya ayun, tinanggap ko
nalang. Pero, jusko, kapag kasama ko yan, hindi ako masyadong umiimik.
Sino
ba naman kasing hindi ma-pipipi jan pag-kasama?! Ang kulit kulit kaya! Ang
gwapo pa! Nako, ang macho!
"Uy
Bes ano, payag ka? Hintayin kita sa school park..." bulong niya sakin
Tumango
nalang ako. Tangina. Kinikilig ako! Magde-date kami mamaya, sa mall... Madaming
tao... Ayiieeee!!! <3
"Mr.
Nicholls, you're blushing. What's happening to you?" tanong ng English
teacher namin.
"Uh...
I-- I'm fine Ma'am... Thank you." Hanudaw!?
"Well,
okay. So class, as I have said----" and chu chu chu chu. Tae kasi yung
English niya eh. HAHA!
"Bakla
ka, halatang kinikilig ka... Haha!" bulong ni Bea.
Well,
totoo naman! Sino ba namang hindi kikiligin kapag niyaya ka lumabas diba?
4:30
Yeah!
Uwian na! Wala nanaman ako gagawin sa bahay :D HAYAHAY!
Inaabangan
na pala ako nung driver namin. Sossy! May driver na ako ngayon ;P Siya si Kuya
Rodolfo. Pero Kuya Rodolphy tawag ko :) Ang cute nga eh! Pati siya cute :D Yun
nga lang medyo payat siya...
"Wala
na po ba kayong ibang dadanan Sir?" tanong sakin ni Kuya Rodolphy
"Wala
na Kuya... Uwi na tayo..."
Sinalpak
ko na yung earplugs ko. Parang uulan pa yata. Now playing: 12:51. Ohdevah.
Lakas maka-emote! Haha! Lumapit ako sa window. Sandal lang habang pinapanuod
yung mga nadadaanan. F na F ko yung kanta eh!
"Kuya,
mag-ikot ikot muna tayo... mga 5:30 nalang tayo umuwi..."
"Sige
po..." sagot ni Kuya. Salpak ulit ng earplugs.
Ang
ganda talaga dito. Kahit na city na, halata aparing nasa probinsya ka. May mga
malalawak na bukid parin kasi. Napaka-peaceful. Sumalangit nawa. Peaceful eh.
Halos
30 minutes na yatang nagda-drive si Kuya. Kung saan saan kami lumiliko.
"Sir..."
buti nalang narinig ko
"Bakit
Kuya? May problema ba?" tanong ko kay Kuya Rodolphy.
"Kayo
po yata may problema eh..." grabe. Nahalata niya.
"Meron
talaga Kuya..." sabi ko in a sad tone
"May
alam akong pampatanggal problema..." sabi ni Kuya
"Baka
naman mga G.R.O yan Kuya ah.. Alam mo namang di ko gusto yan..."
"Seryoso
ako Sir... Hindi naman ganyan yung tinutukoy ko..."
"Sige
Kuya... Ikaw bahala..."
Ayun.
Nagdrive ulit kami. Alam kong wala na kami sa city. Basta probinsya na talaga
siya.
"Andito
na tayo Sir..." at bumaba na kami ng sasakyan.
It
was a very beautiful place. Malawak. Puro damuhan lang talaga. Yung tipong
pwede kang magpagulong gulong kasi natatabunan ng mga damo yung lupa. It was
very peaceful Walang makaka-istorbo sayo. May nagiisang puno ng mangga sa may
bandang gitna. Malaki yun. Malago yung mga dahon. May mga bunga na din. May
duyan na nakasabit sa sanga niya.
"Dito
ako lagi nagpupunta kapag may problema ako..." sabi ni Kuya Rodolfo habang
nakatingin sa malayo
"Sa
amin itong lupain na ito dati. Lahat ng nakikita ng mata mo..." dugtong pa
niya
"Pati
bundok? Niloloko mo ko Kuya eh..."
"Hindi
syempre... Pero seryoso... Itong bukirin na ito, pagmamay-ari namin
dati..."
"Dati?
Eh anong nangyari?"
"Umupo
nga muna tayo dun... Pinagod mo kasi ako magdrive eh... Dun tayo
magkwentuhan.."
Nagpunta
kami sa ilalim ng puno ng mangga. May maliit kasing bench dun.
"Oh
game... Ano na nangyari Kuya? Hindi na ba sainyo 'tong lupa?" sabi ko
"Hindi
na. Nung namatay kasi si Papa, kinamkam na 'to nung kalaban namin sa negosyo...
Ayun... Sa sobrang depressed ni Mama, nagkasakit din siya... months later,
namatay din siya..."
"I
was only17 that time. First year college palang ako nun. Oo. Anak mayaman ako
dati. Pero kahit anak mayaman ako, hindi ako naging dependent sa mga magulang
ko. Masakit. Masakit yung nangyari. Pero I have to be strong.. "
"Kinupkop
ako nung lola ko. Parang palabas lang sa TV 'no? Mahirap lang yung lola ko.
Mag-isa nalang siya sa buhay. Mabait siya. Dahil nga hirap si Lola, hindi niya
na ako napag-aral. Tinulungan ko nalang siya sa trabaho niya sa palengke para
magkapera din ako.."
"21st
birthday ko yun. Nasa palengke ako. Humiwalay sakin si Lola dahil nga sabi
niya, may bibilhin daw siya. Ayun, nauna ako sa pwesto namin. Maya maya,
dumating si Lola. Sabi niya 'Anak! May sorpresa ako sayo!' Tapos may winawagayway siyang t-shirt na kulay
blue. Sobrang ganda nung t-shirt na yun..."
"Pero
naging mabilis yung mga pangyayari... May lumapit sa kanya na tatlong lalaki.
Kinuha yung bag niya. Eh nilalabanan nung lola ko, nakikipag-agawan siya sa
bag. Ayun, sinaksak siya. Hindi ko na nagawang habulin yung mga lalaki. Mas
importante sakin lola ko. Siya nalang yung pamilya ko..."
"Sinugod
namin siya sa ospital. Buti nalang at mababaw lang yung saksak sa kanya. Hindi
nga siya napuruhan, nagka-mild stroke naman siya... Kinuha ko lahat lahat ng pera
na naipon namin ni Lola. Buti nalang sociable si Lola noon at marami siyang
kaibigan, mga amiga sa palengke. Swerte naman at tinulungan nila kami..."
"Grabe
pala Kuya... Eh asan na yung Lola mo?" tanong ko.
"Nasa
bahay. Naging mabilis yung recovery niya noon. Ako, eto ngayon. Nagtatrabaho
sainyo. Parang walang nangyari..."
"Buti
ka pa Kuya..."
"Ano
ba kasi yung problema mo?"
"Diba
Kuya alam mo naman na nagka-amnesia ako? Pero yung amnesia na yun, dalawang tao
lang ang nakalimutan ko. Si Matthew at Edward. As in hindi ko na sila
kilala."
"Oh,
eh anong problema dun? Gagaling ka din naman jan through time..."
"Naguguluhan
kasi ako... Rumors spread na nililigawan ako ni Edward noon pero niloko niya
lang ako. Pero sabi niya, hindi daw totoo..."
"Alam
mo, hindi naman lahat ng sinasabi ng tao, kelangan paniwalaan mo. Yung iba,
minsan, ginagawa lang para saktan ka..."
Kring.
Kring...
Incoming
Call:
Daddy
:)
"Wait
Kuya. Tumatawag na si Daddy..." tapos sinagot ko yung phone call
"Asan
na kayo?" bungad ni Daddy
"Pauwi
na po... May dinaanan lang saglit..."
"O
sige... Ingat pag-uwi... Uulan na ata..."
"Opo
Dad... Sige na.. Babye! I love you!"
"I
love you too anak..."
End
of phone call.
"So
I guess, we better get going?"
"Wait
lang Kuya. Picture muna tayo. Remembrance lang."
"Eto
naman.. Araw araw naman tayo nagkikita Sir eh.."
"Kuya,
one time lang 'to... Bilis na..."
"O
sige na..."
One.
Two. Three. Cheese!
"Ayan.
Tara na!"
Ayun.
Umalis na nga kami ni Kuya Rodolphy sa lugar. Magsi-six na.
"Kuya,
McDo muna tayo..."
"O
sige... Drive-thru nalang tayo..."
"Wag...
Papasok ako sa loob... May titignan lang ako..."
"Sige..."
Ewan
ko lang ha. Pero there's something sa McDo na yan eh. May somethign special
akong nafi-feel... Siguro may kinalaman sa kin. Ewan!
"One
Coffee Vanilla Float and Strawberry Sundae. Then Two Crispy Chiken Sandwich.
Regular Float, Large Fries and Caramel Su---"
Aba
teka. Parang...
There's
something. Something wrong na parang ang sarap na tama. Basta! PArang nangyari
na 'to dati.
"Sir?
Sir? Okay lang po ba kayo?" tanong nung cashier. Nakatulala na pala ako.
"Ahh---
Eh... Oo. Okay lang ako. Sumakit lang bigla ulo ko."
"Yun
na po ba order niyo?"
"Yes
please..."
"Okay..
I received 500... Change po nila." sabay abot ng sukli.
Pinahintay
ko na kay Kuya Rodolphy yung order.
"Bri!
Tol!" may tumawag sakin. Familiar ah.
"Uy!"
sila Crix pala. Papasok palang ng Mcdo. Kasama sila Karl, Sam, Naevia at Bea
"Anong
ginagaw mo dito?" tanong ni Bea
"Eto
nanaman tayo Bea eh... Tanga tangahan nanaman eh. Alangan naman maglaba ditosa
McDo diba?" sabat ni Naevia
"Ah...
Nag-take out lang kasama si Kuya Rodolfo. Siya yung bagong driver ko.."
sabay nagpakita si Kuya Rodolphy, bitbit na yung inorder namin
"Ah
eto na pala. Kuya Rodolfo, sila yung mga kaibigan ko. Si Sam, Bea, Crix,
Naevia, at Karl. Guys, si Kuya Rodolfo..." at ayun. Nganga ang dalawang
bruha. Eh pano ba naman, hangpogi ng driver ko. Hodevah!
"Hi
Kuya! 090723****7. Number ko. Text me? K?" malanding sabi ni Naevia sabay
lapit pa kay Kuya Rodolfo
"Ops
ops. Akin yan. Anjan jowa mo sige." sabay harang ko kay Naevia. Garbe
naman kase. Aagawin pa, driver ko na nga lang! Haha!
"Oo
nga Naevia! Timpi timpi din pag may time! Anjan mga jowaers eh! Haha!" si
Bea
"Onga
naman. Ay wait, parang kulang yata kayo? Wala yata si Matthew?" tanong ko.
Oo nga, wala siya. Pakshet. Umulan na tuloy! Anlayo pa ng kotse eh!
"Gurl,
diba gumala kayo?" sabi ni Bea
"Huh?
Si Kuya Rodolfo kasama ko..." pinagsasasabi neto?
"HA?!
Hala ka gurllll!!! Baklaaaaaaaaaaaa! GAGALA KAYO DIBAAAAAAAA?!?!?!" sabi
ni Bea na, oo, gulat na gulat.
"Pakshet.
Oo nga pala! Andun pa kaya sa school yun?!" nagaalalang tanong ko sa
kanila
"Hay
nako. Matthew is a man of his words. I'm sure he's waiting." si Karl
"I
guess I better get going. Baka mapano pa yun. Bye guys." sabay labas kami
ni Kuya Rodolfo. sugod sa ulan hanggang kotse!
"Kuya,
sa school tayo ha.." sabi ko pagkasakay namin.
"Nako
Sir... Malayu-layo pa yun dito. Plus, traffic pa. Uwian kasi ng office workers.
Tapos umuulan pa. Dadaan tayo sa main road." si Kuya
"Okay
lang yan Kuya... Basta bilisan nalang natin."
Grabe.
Kinakabahan ako.
"Bes, gala tayo mamaya, treat
ko :)" sabi nung papel na lumapag sa harap ko. Tinignan ko sa likod, si
Matthew, naka-ngiti.
"Uy Bes ano, payag ka?"
bulong niya sakin
"Hintayin kita sa school
park..."
Calling...
Matthew
Buenaventura
09074397***
"Please...
Answer the phone..."
"Hello!
Matthew!" sabi ko pagkasagot niya ng phone, pero hindi siya sumasagot.
Puro patak ng tubig naririnig ko.
"Matthew!
Bes! Okay ka lang ba jan? Sumilong ka muna, malapit na kami..."
"Bes!
Huy! Magsalita ka nga! Nagaalala na ko!"
Biglang
nag-off phone ko. Tangna. Lowbatt!
"Sir,
malapit na po..."
"Dito
nalang Kuya! Tatakbo nalang ako! Sunod ka nalang sa school park..." sabay
bumaba na ko sa kotse kahit nasa kalagitnaan ng highway. wa ko care kung
maulanan, mapuntahan ko lang si Matthew
Malapit
na...
Ayan
na... Nasa school park na
"Fuck!
Bes!"
There
he is. Nakahiga sa sahig. Nilapitan ko siya agad.
"Bes!
Tara na! Ang taas na ng lagnat mo!" ayun. Inakay ko siya papunta sa gilid
ng street. Sakto naman na dumating si Kuya Rodolfo.
"Kuya,
patulong naman na isakay siya. Dun muna tayo sa unit ko." agad na nga
kaming nagpunta dun. Wala naman aksing tao dun
sa condo ko. Ako lang, pero hindi naman ako dun tumitira.
Gosh.
Bilib na ko sayo Matthew.
Pogi na, responsable pa. I love you na :D
Pero hindi dahil gwapo ka ha! Ambisyoso! Bakit kasi kaya ang bait bait :D Sana
maging tayo :D