ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Wednesday, July 31, 2013

Strange Love 2: Unforgettable 02



Author's note:

Maraming salamat po sa mga nag-babasa at nagbigay ng comments po! xoxo

Strange Love 2: Unforgettable 02


Hindi naman talaga ako yung tipo ng tao na madadala sa problema ng iba, kahit pa sa pinakamatalik ko pang kaibigan. Cool lang ako, katulad ng sabi ng karamihan ng kakilala ko. Madali lang sakin magpayo kahit pa hindi ko pa nararanasan ang problemang inilalahad sa akin. For me, I am just being rational.


Ngunit napaisip ako ng may nakapagsabi sa akin nito:

"Wala ka naman talagang alam. Kahit pa tama ang sinasabi mo, kung ikaw nasa kalagayan ko mahihirapan ka din. Oo, pwede mong sabihin na magkaiba tayo pero one way or another, you will falter kahit pa kaunti yan or totally."


Nasabihan ako nito out of anguish, he might be really confused dahil I can’t win him over my reasoning. All was there is PAIN. That time nakaramdam ako ng lungkot hindi para sa kaibigan ko kundi para na rin sa akin. I realize how naive I am when it comes to feelings. Happy-go-lucky kasi ako, I admit.


Ngayon, narito ako sa harapan ng isang bahay at nagaalinlangan kung kakatok ba ako o tatalikod na lang at uuwi. Nagaalinlangan  ako dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kanya, kapag nagtanong siya. Ngunit nag-aalala din ako sa kalagayan niya, ni hindi ko man lang siya nabisita sa ospital dahil naduwag ako. Oo, naduwag ako harapin ang kaibigan ko, naduwag akong samahan siya at damayan siya sa kanyang pinagdadaanan. Pakiramdam ko kasi maiipit ako and I am playing safe. I don’t want this kind of drama but I guess it can’t be helped.


Akmang kakatok na ako ngunit minabuti ko na lang siya ay tawagin.


“Mi-Mikael?? Tao po, nandyan ka ba Mikael?"


Walang sumagot pero di ko na inulit ang pagtawag at nagsimula ng humakbang papalayo ng may tumawag sa akin.


"Jun?"


Humarap ako sa kanya at nagbigay ng ngiti ngunit nagmukha atang pilit.

"
Mikael.Kamusta? Nabalitaan ko kay Colleen na na-ospital ka daw. Sorry at hindi kita napuntahan.", minarapat ko na lang na hindi na magsabi ng dahilan o magdahilan sa kanya.


Bumagsak ang katawan nya at ang mata niya ay tila kulang sa tulog at medyo namumugto. Nakakaawang pagmasdan na para bang gusto kong maiyak sa nakikita ko sa kaibigan ko. I feel guilty na wala akong maisip na gawin para sa kanya o magsalita sa kanya kung ano ang nangyari.


Nagpalinga-linga ito sa paligid bago sumagot.

"Kasama mo ba si Kuya Jaime?"


"Hindi eh.", matipid kong tugon sa kanya. Lalong lumamlam ang kanyang mga mata sa aking sagot at tumalikod.


"Inay, lalabas po muna ako ha. Babalik din po ako kaagad.", bahagyang pagsigaw nito mula sa pintuan ng kanilang bahay.


"Eh paano ang mga bisita mo?", tanong ng kanyamg ina.


"Naku po Tita, uuwi na rin po kami ni Zach. Maraming salamat po, some other time na lang po ulit."


Lumabas ang isang lalaki na mestisohin kasunod ng isa pang lalaki. Ngayon ko lang sila nakita at ang alam ko kasi maliban sa amin, wala ng ibang ka-close si Mikael.


"Mauuna na kami Mikael.", paalam ng mestisong lalaki.


"Sige, ingat kayo at salamat sa pagdalaw.",si Mikael.


"Oh, ingat kayo mga iho sa daan ha? Oh Jun, nandito ka pala."


"Magandang gabi po Tita, kinakamusta ko lang po ang anak niyo po."


"Nay, maglalakad-lakad po muna kami since matagal rin po akong nakahiga eh."


"Sige, anak,umuwi ka din kagad. Huwag na kayo masyado lumayo ni Jun."


At nagkanya-kanya na nga kami ng lakad. Ang mga bisita ni Mikael ay sumakay na sa kanilang kotse at kami naman ay naglakad pasalungat sa kanila. Tahimik lang kami at marahan naglalakad kahit kasi ako wala akong masabi. Pero hindi pwedeng ganito lang kami.


"Mikael, sino sila?"


"Ay, oo nga pala. Sorry ha hindi kita napakilala sa kanila. Si Homer yun at si Zach. Sila yung tumulong sa akin pati sa gastusin ko sa ospital."


"Ahhh."


Muli ay natahimik kaming dalawa, malamang ay nag-iisip rin ito kung magtatanong ba siya sa akin o hindi. Madalas kasi na puro tayo tanong pero hindi naman tayo sigurado kung handa tayong tanggapin ang sagot pero sabi nga nila "Truth hurts".


"Jun, nakapag-usap na ba kayo ni Jaime?"


At heto na nga unang tanong. This is the first time na narinig ko siya na tawagin si Jaime na walang kuya. It wouldn’t really matter if hindi ko alam ang nangyari. Pero kahit maliliit na bagay ngayon, napapansin ko na dahil may alam ako.


"Oo, ilang araw bago sila umalis."


"Umalis?! Anong ibig mong sabihin na umalis?", nanginginig ang boses niya and I can see his tears welling up to the sides of his eyes, pero lumihis ako ng tingin. This is agonizing for me too, lalo na at may kailangan akong sabihin sa kanya. Damn it!


"Jaime left the country Mikael. Together with his parents and...", napatigil ako sa pagsasalita at huminga ng malalim bago ako nakapagsalitang muli.



"...he is not going back."


Napatigil si Mikael habang ako ay nakailang hakbang na papalayo bago ko siya nilingon. Kahabag-habag siya pagmasdan habang nakayuko siya at humihikbi at pinipigilan pang ‘wag gumawa ng ingay.  I can feel his miseries even from afar. Lumapit ako sa kanya at kinabig ang kanyang ulo papunta sa aking balikat. Niyakap ko siya ng mahigpit.


Somehow, I want him to feel na ayos lang na umiyak siya, na narito ako para sa kanya. Gusto ko maramdaman niya na mayroon pa siyang mga kaibigan para sandalan niya. Alam ko na hindi namin mapupunan yung pangangailangan niya kay Jaime ngayon. Pero sana kahit kaunti ay mapunan namin yung butas na naiwan ni Jaime.


"He is not going back Mikael... Alam kong sobra kang nasasaktan ngayon, pero pilitin mo ng makalimot. Alam ko din, na marami kang tanong pero hayaan mo na ang panahon ang unti-unting magbigay sayo ng kasagutan. Tatagan mo ang loob mo JM, nandito pa naman ako kahit hindi ako ang kailangan mo. It is better than nothing right?"


Noong gabing yun wala siyang isinagot kundi ang mga tahimik niyang hikbi sa aking balikat, at ang mahihigpit niyang hawak sa likuran ng aking damit, na tila ba gusto niyang punitin.


I’m sorry Mikael na kailangan kong sabihin ang lahat ng ito sayo. Pero kailangan, ito lang ang tanging maitutulong ko sa iyo ngayon.Magpakatatag ka...





-----Zach



Hindi ako makatulog.


Nababalisa ako at hindi mapakali. Hindi ko magawang gawing blangko ang isipan ko matapos ang mga nangyari sa araw na ito. Bakit ba lagi na lang sumasagi sa isip ko ang mukha niya? Masyado ko bang kinaaawaan ang taong yun para maapektuhan ako ng ganito? At bakit nalungkot ako noong nagdesisyon siyang sumama sa Jun na yun na parang wala siyang bisita? Nakakayamot!


Nakailang lagok na rin ako ng alak, pero hindi ito nakakatulong para makapag-pahinga na ako. I want to see him. I want to talk to him more or kahit basta nandyan lang siya. Gaaaad! What is this?!


I can still see his face vividly while he was laughing kanina, ibang iba sa tao na nakita ko nung araw na mabugbog siya. I hope he laughs like that more often now. It suits him, kesa sa palaging nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa kawalan.


Kakaisip sa kanya habang tumatawa eh hindi ko namamalayan na nakangiti na din pala ako. If Homer is here, malamang sasabihan ako nun na nababaliw na ako.


Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko; nalulungkot na masaya at excited. Excited ako na makita siyang muli. Halo-halo sa pakiramdam na gusto mo magtatalon o humiyaw. It is a feeling deep inside my chest na masakit, but I don’t really hate it. It’s just that I haven’t felt like this before, kaya naman heto ako at gising pa din.


"My gaaaad,Zach! I really want to see him again!", pagsigaw ko sa aking sarili.


Lakad dito. Lakad doon. Bubuksan ang TV tapos papatayin din. Naloko na...


Tawagan ko kaya siya? Hindi ko nga pala nakuha ang number niya. I was the one who left my number in case na kailanganin ako ng ospital.


Kinuha niya kaya? Why am I expecting this way?


How I wish he did at sana mag-text siya o tawagan niya ko.


"Mikael... Ano ba itong nararamdaman ko? Nababaliw na ba ako?"


Now I feel exhausted.





Brrr.brrr.brrr.brrrrrrr.



It was my phone, vibrating on the side table, 7:00 in the morning at ang taong nasa phone screen ko ay ang magaling kong pinsan. What is it this time? I reached for it and let out a sigh before answering it.


"Insan.", matabang kong pagsagot sa tawag ni Homer.


"Si Claire... Zach si Claire..."


"What about her?", kinutuban ako ng hindi maganda dahil sa tono ng kanyang boses.


"She's dead, Zach! She's dead. Nag-commit daw ng suicide when his boyfriend left her."



Claire.


She was my ex-girlfriend for three years now.


Anong nangyari sayo bakit mo ginawa ito? Akala ko masaya kayo...? Nakakagulat at nakakalungkot para sa akin na ganoon ang sinapit ng aking dating kasintahan.


Homer told me the details about her wake and burial at ibinaba ko na ang phone.


Gulat pa din ako at natutulala sa nalaman ko. Siguro talagang hindi na niya kinaya na maiwanan.


You are such an idiot Claire!


Bakit mo ginawa yun? Ganoon mo ba siya ka-mahal para kitilin mo ang sarili mong buhay, dahil wala na siya? And that guy, how can he left you so devastated?


Haaaay. I can’t really understand heartbreaks. Noong iniwan niya kasi ako for that guy, hindi ko naman naisip kunin ang buhay ko dahil nawala siya sa akin. Nasaktan ako, pero madali lang din ako nakalimot. I love her, but she didn’t love me for long, habang nasa loob kami ng aming relasyon. Para akong bata noon na namamalimos ng affection sa kanya. Kaya siguro napagod na rin ang puso ko, at tinanggap na hindi kami para sa isat-isa. Mahalaga pa rin naman siya sa akin, kaya nalulungkot ako ngayon na malaman na wala na siya, at hindi ko mapigilan na hindi magalit para sa lalaking nangiwan sa kanya.


Mahal niya ito ng sobra, HE means her life...





At dumating na ang araw ng libing ni Claire. Lahat ng dumalo ay nakasuot ng puti at may dala-dalang puting bulaklak para ilagay sa kanyang mga labi. It was tragic for everyone who is here. Makikita mo kung gaaano sila nanghihinayang at nalulungkot para kay Claire, at ganoon din ang nararamdaman ko.


Nariyan pa rin ang mangilang beses na pag-iyak ng malakas ng ina nito. Mararamdaman mo ang pangungulila, at sakit sa bawat pagtawag nito sa pangalan ng kanyang anak. At para sa taong lumisan kay Claire, ni anino ng kanyang huling nobyo ay hindi nagpakita. I guess he doesn’t really care or he doesn’t have the balls to show his face to us.


Ako na ang sumunod na nagpaalam at tumingin sa kanya sa huling pagkakataon.


"Claire, I hope you can really rest in peace.", iyan ang mga salitang nasabi ko habang inilalagay ko ang bulaklak sa ibabaw ng kanyang himlayan.


"Tara insan. Alis na tayo at may pupuntahan pa kasi ako "


"Saan naman?"


"In-invite ko kasi si Mikael for dinner tonight. Actually naka-set na yun even before the news about Claire, eh nahihiya naman ako i-move.", pag-eexplain sakin ni Homer.


"Sa tingin mo saan masarap kumain?", nakangiti niyang tanong habang siya ay nagsimula na mag-drive.


"I don’t know eh. Kahit saan naman siguro ok lang kay Mikael. Soooo… nag-uusap pala kayo?"


"Uhuh. Tinatawagan ko siya minsan o kaya nagtetext ako kapag wala ako ginagawa. Bakit?"


"So... You swing thay way now?” pang-aasar ko sa kanya.


"Not really. Natutuwa lang ako sa kanya, kahit pa ang tahimik niyang tao. At saka nacha-challenge ako kung paano ko siya mapapatawa. Mikael is really interesting at parang ang sarap..."


"...alagaan.", wala sa sarili kong pagdugtong sa kanyang sinasabi.


"KULITIN! Insan, kulitin! Hahaha!! Now, you are the one who SWING that way.", tawang-tawa nitong pagsasalita.


"Hindi ah!Baliw!!hahahaha!!", at sabay kaming natawa sa mga pinagsasabi naming.


Sinabi ko ba talaga yun? I must be really going crazy, maybe  I should get more sleep.






---Mikael



"Hello?"


Hey Mikael! Si Homer 'to. Ready ka na? Will be there in 15 minutes.


"Opo,nakabihis na ako saan ba punta natin?"


Basta ako na ang bahala sayo. Chill ka lang. See you in a while.


"Sige.Ingat.Bye."


Kaya lang naman ako pumayag lumabas, kasi sabi ni Jun eh mag-unwind daw ako. At huwag na masyadong mag-isip. Pero kaya nga ba gawin ng isip ko yun? Ang daming tanong na umiikot sa isipan ko lalo na noong nakapagusap kami ni Jun.


He is not going back.


Paulit-ulit yang umaalingawngaw sa aking isipan. It was like saying there is no hope, para maliwanagan ako sa lahat.


Kaya nga ba ng panahon sagutin isa-isa ang katanungan ko? Mahihilom ba nito ang mga sugat o panandalian lamang iyon at babalik din? Hindi ko alam saan ako maguumpisa. Nawawalan ako ng drive to do things kasi nasasaktan pa ako.


"Anak, nandyan na si Homer.", pagturo ni inay sa labas ng bintana.


"Sige Nay, alis po muna ako."


"Mag-enjoy ka ha, anak. Kwentuhan mo ako pagbalik mo."


Ngumiti ako at lumabas na ng bahay. Habang papalapit ako sa kotse ni Homer ay bumaba siya at nakangiti akong sinalubong.


Hindi naman makakaila ang kakisigan niya at pati na rin ang istura na malamang ay marami ng pina-ibig. Ngumiti siya sa akin at inakbayan ako, na siya namang ikinagulat ko.


"Miks, ano ready ka na ba mag-enjoy?", sabi niya ng buong ligalig, dahil ang lapit niya sakin ay amoy na amoy ko ang kanyang pabango. A woody scent na may pagka-sweet.


Tumango na lang ako at ngumiti bilang tugon sa kanyang sinabi. Baka nga naman mag-enjoy ako.


Nung pumasok na ako sa kotse ay nagtaka ako sa mga nakita ko. Magtatanong na sana ako nung nagsalita siya.


"Nagpaalam na ako kay Tita na magka-camping tayo para na rin makakulitan ko ang bago kong kaibigan. Ayaw mo ba?", para siyang bata na nalungkot nung makita na nagulat ako.


"Hindi naman sa ayaw. Nagulat lang ako kasi ang alam ko kakain lang tayo ng hapunan."


Kaya pala si Inay eh ang sabi ay kwentuhan ko daw siya pagbalik ko. Ito siguro ang tinutukoy niya. Ngayon ko lang din napansin ang kasuotan ni Homer naka-walking shorts lang ito at plain v-neck shirt.


"Paano yan ganito ang nasuot ko? Hindi bagay para sa camping."


"Diba sabi ko naman sayo, chill ka lang? I got you covered. Lahat ng kailangan natin dalawa eh hinanda ko na, at sorry din pala kasi I can’t think of any place na pupuntahan, kaya I end up bringing you into camping."


"Ok ka din eh no? Sige na wala na nga ako dapat alalahanin diba?", nakangiting tugon ko na rin sa kanya. Nakakatuwa din naman kasi ang effort niya, yun nga lang hindi kaya sumusobra na ito kung iniisip niya pa rin niya ang pagkakabugbog niya sa akin.




Medyo mahaba din ang byahe at kung ano ano lang din ang mga pinag-uusapan namin o dapat ko bang sabihin na siya lang ang panay bato sa akin ng tanong.


"Narito na tayo! Woohoo!", agad-agad itong bumaba at bahagyang tumakbo papunta sa gilid ng bangin.


Simple lang ang lugar at napapaligiran ng mga puno, mabato nga lang at talagang napaka-lamig. Lumapit ako at tumabi kay Homer at tinignan ang ilaw ng syudad sa ibaba. Napakaganda parang mga kulisap at iba-ibang kulay.


"Gutom ka na Miks? Naghanda na ako ng mga kakainin natin hahaha!! Ang lulutuin lang natin mamaya eh marshmallows kasi... di naman talaga ako marunong magluto.", kamot ulo nyang pag-amin sa akin.


Natawa ako sa kanya ng malakas kasi mukha siyang hiyang hiya sa inamin niya. It seems naman na mai-enjoy ko nga naman ito.


"Thank you Homer. Napapatawa mo ako.", totoo naman kasi, ang huling tawa ko pa ata ay noong nagbakasyon kami ni Jaime.


"Nice to know that, tara kunin na natin mga gagamitin natin at ng makapagpalit ka na din."


"Teka saan galing yung susuotin ko?"


"Damit ko yun tingin ko naman kasya sayo yun medyo malaki nga lang. hahaha!!! Huwag ka na magreklamo no?"





Nagpalit na nga ako ng damit at medyo malaki nga ito sa akin. T-shirt at baggy na jogging pants at pati narin tsinelas ay may dala siya para sa akin. Kumportable naman itong binigay niya sa akin, presko pa nga kung tutuusin.


Naabutan ko siyang nagseset-up ng tent at pawis na pawis na. Hindi siya siguro sanay din mag-camping.


"Anong maitutulong ko?"


"Kaya ko na ito, manguha ka na lang siguro muna ng mga kahoy para makagawa tayo ng apoy."


Hindi naman mahirap maghanap ng mga kahoy dahil kahit sa paligid palang namin ay nagkalat na ang mga ito kaya naman pagbalik ko ay naabutan ko pa rin siyang hindi tapos. Kusang loob na akong tumulong sa paghawak ng tent habang inaayos nya ang skeleton nito sa loob.


"Unang beses mo ba ito gagawin?" tanong ko sa kanya.


"Ang pagka-camping? Hindi, kasi dati madalas kami ni Zach pumunta dito pero siya halos gumagawa ng lahat."


"Eh anong ginagawa mo?"


"Wala. Minsan pinapapak ko na lang yung mga pagkain na dala namin."


"Ah... Eh bakit ngayon gusto mo na ikaw ang gagawa nito? Dahil pa rin ba nagi-guilty ka sa pagkakabugbog mo sa akin?"


"Ikaw talaga, kung anu-ano iniisip mo. Matagal ko ng nakalimutan yun at ikaw dapat tawanan mo na lang din yun kasi diba magkaibigan na tayo?", sabay gulo nito sa aking buhok.


Mukhang may maganda naman nangyari sa kabila ng pagkakabugbog ko. Masaya ako sa sinabi niya na medyo malungkot din, dahil may naalala akong halos kaparehas ng ganitong sitwasyon.


Nag-away muna bago naging magkaibigan.









Itutuloy….

Sunday, July 28, 2013

Strange Love 2:Unforgettable 01



Strange Love 2: Unforgettable 01


Nagising ako, at ito ang isa sa mga araw na imumulat ko ang aking mata na para bang may gumising sa akin. Mula sa pag-gising ay pagmamasdan ko ang kisame kahit wala naman interesanteng bagay dito.

It's an empty space.

Ngunit pag sinimulan ko ng iikot ang aking paningin sa loob ng kwarto,magsisimula na akong mag-isip. Kahit ayoko, kahit pigilan ko pa ay di na matatahimik ang isipan ko... Pati na rin ang puso ko. Na araw-araw naiisip ko, sumasagi sa akin yung pagmamahal ko sa kanya. Kahit pa pagod na ako, kahit pa ayaw ko na mag-isip ay naroon pa rin. Lalo pa at ramdam ko na tila pinipiga ang nasa loob nitong dibdib ko...ang puso ko.
   


                Dahil sa sakit, ginugusto mo na lang na maging blanko ka, sa mga emosyon at iniisip. Ayaw mo ng magpakita ng kahit ano pang reaksyon. Sa gayon baka sakali, mamanhid ka at wala ka na lang maramdaman.
   
                Puro ka tanong at sinusubukan mong sagutin yun lahat... araw-araw, para matahimik ka, ngunit hindi sapat... ngunit wala kang magagawa kundi pagdaanan lahat ng ito. Pinili mo kasing papasukin sa buhay mo ang isang taong akala mo totoo sayo. Naniwala ka at nagtiwala na baka ito na ang kasiyahan  na para sa iyo. Tunay nga ang mundo ay malupit... kung kelan ka naniwala doon ka pa nito bibiguin... kung kelan sumubok kang muli.
   




Ang sakit. Iyan ang mga katagang paulit-ulit kong nabibigkas. Na sana sa bawat pagbigkas ng bibig ko nito ay unti-unting mawawala ito. Sa sobrang sakit ni kahit sa pag-iyak ay hindi sapat para mawala ito. Linggo na rin ang nakalipas at ang mga sugat ko ay medyo naghilom na,hindi na rin masakit ang katawan ko, kaya naman sa araw na ito ay makakauwi na ako.



"Mikael, anak mabuti at gising ka na at maaga rating makakapag-handang umuwi. Gutom ka na ba? Anong gusto mong kainin?"



"Hindi po ako gutom, inay."bumangon ako at umupo, inabot ko ang mga gamit ko at nagsimulang ayusin ang mga ito.



"Ano ka ba naman anak. Ako na ang bahala diyan at ang intindihin mo eh yung makakain ka. Paano mo mababawi ang lakas mo nyan kung di kakain. Noong isang araw hindi mo na naman ginalaw ang pagkain na dinala sayo dito ng nurse."pag-aalala ni inay sakin.



"Okay lang po ako, mas gusto ko po kasi matulog kaysa kumain."pangangatwiran ko sa kanya.



Tok.tok.tok


Kasabay ng pagkatok ay pumasok ang isang lalaking hindi ko inaasahan na pupunta pa rito.



"Good morning. Uhmmm narito po ako para ihatid po kayo. I was informed po ng doctor ni Mikael na ngayon po ang labas niya."




---ZACH

“Homer, may balita kaba sa ospital?”

                             
“Hmmm, ang alam ko lumabas na si Mikael kaninang umaga.” Tugon ng aking pinsan habang abala itong nagbabasa ng magasin.


“Ano?! Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?” inis kong balik sa kanya, worried kasi ako sa taong yun, hindi ko alam kung bakit.


“I thought you are mad at him because of how he treated us the first we met him. Kaya I never bothered to tell you anything about his status. I’ve sent him home personally so don’t worry na napabayaan siya.”


“Hinatid mo??” takang tanong ko sa kanya.


“Zach,” tumingin ito sa akin. “bakit bigla mo kong tinatanong ng mga ganitong bagay? At ano naman kung hinatid ko si Mikael? Ako naman itong may atraso sa kanya in the first place right?” tila nayayamot na nitong tugon sa akin.


“Sorry… I was just surprised that you did that and… somehow nainis ako na hindi mo man lang ako isinama.”


“What for?”


“Para mabisita yung si Mikael, tulad ng sinabi mo hindi naging maganda yung huli naming paguusap. Baka nag-over react lang ako sa mga sinabi niya at hindi ko naisip yung kalagayan niya since strangers nga naman tayo sa kanya.”


“Huwag ka na mag-alala masyado pinsan, I think masyadong marami rin iniisip ang taong iyon para bigyan pansin pa niya ang nangyari sa inyo noon. Besides, if he still hold grudges on us eh di sana hindi na siya pumayag na ihatid ko siya sa bahay nila.” Hindi na ako muling nakatugon dito, I just feel sad for no reason.


“I can take you there if you want to.”biglang sambit ni Homer na parang sumuko at naghanap na lang ng solusyon.



---Mikael


Isang lingo pa lang ang nakakalipas pero parang ilang buwan ako naratay sa ospital na iyon. At kahit na ang ginawa ko lang doon ay humiga at matulog ay tila ba pagod pa rin ako o walang lakas para kumilos. Tahimik ang buong bahay, kahit si Inay ay walang imik habang inaayos ang aking gamit.


“Ako na po mag-aayos niyan Nay, papasok pa po kayo sa trabaho diba?”


“Nakapag-paalam na ako sa opisina at bukas na ko tutuloy sa pagta-trabaho. Sa ngayon, ang iniisip ko ang kalagayan mo.” Patuloy pa rin ito sa pagkilos sa loob ng aking kwarto kahit ito ay balisa rin. Hindi ko na sana ipapaalam pa sa kanya ang nangyaring pambubugbog sa akin ngunit dahil may mga nabaling buto sa akin ay kinailangan kong manatili sa ospital. Ang akala ko kasi ay makakauwi rin ako kaagad.


“Magaling naman na po ang mga sugat ko Inay kaya huwag na po kayo mag-alala.” Nagulat na lang ako ng lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit at humihikbi. Alam ko na, matagal niya rin itong pinigilan simula noong nasa ospital kami.


“Anak, alalang-alala ako sa iyo akala ko pati ikaw mawawala na sa akin.”


“Inay naman, hindi naman ganoon kagrabe ang nangyari sakin. Huwag na po kayo umiyak.”


“Hindi ko kakayanin anak kapag iniwan mo din ako eh. Sorry ha, natatakot lang talaga ako…”


“Tahan na po, hindi po ako mawawala. Matagal pa tayo magkakasama, ano ka ba Nay. Uy ngingiti na yan oh. Ayun oh!hahaha!” panunukso ko sa kanya para naman hindi na ito malungkot.


“O Siya sige, ipagluluto muna kita ng makakain.”nakangiti na nitong sabi.


“Sige po, ako na bahala dito po, kaya ko naman na po ito.”


Umupo ako sa kama at tumanaw sa bintana at mula doon ay bumuhos nang muli ang mga luha ko. Sa isang linggong nagdaan ni hindi man lang siya nagpakita. Wala ba siyang pakiaalam sa nangyari sa akin, oo nga pala, ang sabi niya ay ginamit niya lang ako. Ngunit hindi pa rin ako makapaniwala, ang alam ko lang lahat ng pinagsamahan namin ay totoo…


Mas nahihirapan akong isipin kung ano na nga ba ang gagawin ko. Lalo na at marami ding alaala dito mismo sa kwarto kong ito. Ako nga lang ba nagisip na espesyal ako sa kanya? Pinaniwala ko lamang ba ang sarili ko na importante ako kay Jaime?

Humiga ako sa kama habang tinatakpan ng aking kanang braso ang aking mga mata. Pinipigilan kong huwag humikbi dahil baka marinig ni Inay. Ang hirap. Gustong-gusto kong sumigaw dahil sa sakit ngunit ayoko nang mag-alala pa ang magulang ko sa akin. Naaamoy ko pa rin ang natural na amoy ni Jaime mula sa mga unan ko. Kung kaya’t naisip ko na naman yung mga pagkakataon na magkatabi kaming natutulog rito o kaya naman nagke-kwentuhan lang ng kung anu-ano. Kung ano ang mga pangarap namin, ano ang mga gusto namin kainin at pati na rin ang mga harutan at kakulitan namin.

Tumagilid ako sa pagkakahiga kaya naman bahagyang nagulo ang ayos ng pagkakatupi ng mga damit na nilabas ni Inay mula sa bag ko. Bumangon akong muli para ayusin ang mga ito. At mula sa mga damit ko ay napansin ko ang isang bagay na mas lalong nagpadaloy sa aking mga luha.


“Itay…” sambit ko habang dinampot ko sa aking kama ang puting panyo.


Itay, tulungan niyo po ako makaalis sa pighating nararamdaman ko. Hindi po ba sabi nyo ayaw niyong nakikitang umiiyak ako? Kaya tulungan niyo po sana ako. Gusto kong makabalik sa dating ako. Ayoko ng ganito itay, ang bigat-bigat sa dibdib na para bang mas maganda kung sasabog ito, baka sakaling mawala na ang nararamdaman ko.


Walang humpay ang pag-agos ng mga luha sa aking mukha. Kasabay nito ay pinahid ko ito gamit ang puting panyo at inisip ang aking ama.Humiga na akong muli at ipinikit ang aking mga mata habang hawak ko pa rin sa aking kamay si Itay.





“Mikael… Mikael, anak, may mga bisita ka. Gising na muna at para makakain ka na rin.” Malumanay na sabi sa akin ni inay. Nakatulog pala ako habang umiiyak kaya naman pinunasan ko muna ang aking mukha at nagtanggal ng muta sa king mga mata.


“Sino pong bisita? Si Colleen?” tanong ko.


“Hindi anak, si Homer at ang pinsan niya. Sige na anak mag-bihis ka na muna at basa ng pawis yang damit mo. Maghain na rin ako at ng makakain na tayong lahat.”
                                   

Ano kaya ang ginagawa nila dito? Pinsan ni mestisong arogante este Homer? Ano nga ulit pangalan nya? Tanong ko sa aking sarili habang ako ay nagbibihis.


Nag-aalangan ako lumabas kasi hindi ko din alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila. Ang awkward lang ng pakiramdam na sila ang bisita, mga taong hindi ko kilala. Bahala na nga. Binuksan ko ang pinto at tinungo ang sala, nanunuod sila ng TV kaya hindi nila napansin ang pagdating ko.


“Anong meron?”parang tanga kong tanong sa kanila. It sounded like I am not in the mood to have visitors, mas lalong awkward.


“Ah eh, ang ibig kong sabihin eh… may kailangan ba kayo sa akin at naligaw kayo dito?”napapalatak kong dagdag sa kanila.


“Mikael! Kamusta? Itong si pinsan kasi, he’s worried about you kaya heto napunta kami dito.”tumayo si Homer at tinapik ang aking balikat.


“Worried? Bakit naman? Ok naman na ako. Magaling na ang mga sugat ko kung yun ang ibig niyong sabihin.”Tinignan ko ang pinsan niya at tila ba napahiya ito dahil kay Homer o sa mga sinabi nito.


“Mga iho, tara na muna sa hapag-kainan at mag-hapunan. Doon niyo na ituloy ang pag-uusap ninyo.”

                Sa totoo lang wala naman na akong ibang masabi sa kanila kaya mabuti na lang at niyaya kami ni inay kumain. Isa pa ay wala ako sa mood makipag-kwentuhan o mag-salita.


“Sige po Tita! I’m actually hungry and your food really smells good.”banat ni Homer.


Aba! Ang mestisong ito eh nambola pa, napapailing na lang ako sa nangyayari.


---ZACH


Mukhang maayos na nga ang lagay niya, wala akong maisagot nung time na nagtanong siya kung bakit kami nabisita sa kanila. Ano nga ba ginagawa ko dito? Bakit ba ang laki ng epekto sakin ng taong ito.


Kung tama ako sa aking obserbasyon, wala dito ang tatay niya. Mukhang mabait naman ang kanyang ina kaya hindi ko maisip kung ano ang dahilan ng kanyang panaghoy. Is he going through something like Homer’s? I’m really curious.


“Ang sarap po talaga nito Tita. Iba po talaga ang lutong bahay.” Pambabasag ni Homer sa katahimikan. Ganyan naman talaga yang si Homer magaling siya makisama.


“Salamat iho, pati na rin sa paghatid mo sa amin dito kanina. Bakit pala bigla kayong napasugod dito?”


“Ito po kasing pinsan ko eh nag-aalala sa anak niyo po kasi hindi po maganda yung una nilang pagkakakilala. Also, para na rin po makipagkulitan dito sa anak niyo,mukha kasi siyang malungkot.” Nagulat ako sa huling sinabi ni Homer, so hindi lang pala ako ang nakapansin. Kahit pa si Mikael at ang ina nito ay nagulat sa tinuran ng aking pinsan.


“Ano nga bang pangalan mo?”


“Zach po,Tita.”


“Actually po, siya talaga yung nagligtas sa anak niyo. Ito pong si pinsan yung nagtakbo sa kanya sa ospital.Ahmmm… Sorry po ulit na nabugbog ko po ang anak niyo po. Sorry din Mikael, ikaw naman kasi binuyo mo din ako. Can we just forget about it and let us all be friends?” I cant believe what I’m hearing from my cousin, siguro nga nagsisisi siya sa nangyari, come to think of it muntik na siya makapatay ng tao.


“Ah eh… oo naman… kalimutan na natin lahat iyon. At saka…” si  Mikael,medyo napatigil kaunti at tila iniisip ang sasabihin.


“Zach, pasensya ka na rin sa mga nasabi ko nung una.Salamat sa pagliligtas mo sa akin…”nakayuko itong nagsalita.


“Kahit naman siguro sino ganoon ang gagawin. Hindi ko rin naman hahayaan itong mokong kong pinsan na may gawing masama.Hahaha!”


“Mabuti naman at naayos na din kung ano mang hindi pagkakaunawaan meron kayong tatlo. Sige na mga iho ako na bahala magligpit dito at doon muna kayo sa sala. Mikael ikaw na muna bahala sa mga bago mong kaibigan.


It’s a big relief na naging maganda ang pag-uusap namin. Pero… I’m having this feeling na gusto ko pa siya makausap ng matagal ang kaso wala naman akong maisip na mapag-usapan. I was deep in thought when I realize na nakatingin pala ako sa kanya the whole time. But, nakatingin siya sa kawalan, siguro katulad ko ay may mas lalong malalim itong iniisip. If only I could ask him, why am I feeling disappointed… hayyy weird.


“Graduate ka na pala?” tulad kanina, si Homer pa rin ang nag-simula ng usapan. I’m pathetic, I could have been more observant para nga naman may ma-brought akong topic.


                “Ah oo, nito lang nakaraang buwan.”parehas silang nakatingin ngayon sa graduation picture ni Mikael. Ang amo ng itsura niya at ang mga mata niyaay kakaiba sa larawang iyon.


                “Ang ganda ng mata mo…” what the hell! I was thinking too loud na hindi ko napansin na nasabi ko ito.


                “HAHAHA! Talaga? Sabi nga din ni Kuya Jaime. Pangalawa ka na for the record.” Nagulat ako sa nakita at narinig ko, tumawa siya at ngumiti sa akin. And… those eyes became like in the picture pero mas maganda itong nakikita ko ngayon. I hope he always smile, bagay sa maamo niyang mukha.


                Mula doon, ay nakaramdam ako ng biglaang pagbilis ng tibok ng puso. Pakiramdam ko ay excited ako na kinakabahan at medyo masakit pero hindi yung sakit na aayawan mo. A different kind of feeling.


                “May kuya ka pala. Nasa trabaho siya ngayon?”pagpilit kong alisin ang sarili ko sa naramdaman ko.Mula sa ngiti niya ay napalitan ng lungkot ang mukha ni Mikael,gusto kong itanong kung bakit siya nalungkot pero I don’t want to be nosy.


                “Hindi ko kapatid si Kuya Jaime, kaklase ko siya at matalik na kaibigan.” Napansin kong sa bawat pagsasalita niya ay parang nahihirapan siya. Si Jaime ba ang dahilan kung bakit ka malungkot Mikael, gusto kong malaman…pero hindi muna siguro ngayon.


                Wala na rin umimik sa amin mula noon, si Homer ay busy na rin sa cellphone niya. Si Mikael naman ay tulad ng dati, spacing out.





“Mi-Mikael?? Tao po,nandyan ka ba Mikael?”




May tao sa labas at hinahanap si Mikael at mabilis na tinungo niya ito. Si Jaime kaya iyon?





Itutuloy…



.

Friday, July 26, 2013

LOVE AGAIN: Chapter 5

Alright guys. Heto na! Heto na! Heto na! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!! Doo bi doo bi doo.... LOL

maraming salamat nga pala sa mga nagcomment sa mga nakaraang chapters. Now I have to love all of you! LOL

Shout out to spartacris, randzmesia, miggy456, AJ, marc, Alen RN, The Great Pretender, Ivan D., cyril21cute, kebin, Uno Salas at kay robert_mendoza94@yahoo.com... You guys are the awesomest ever! LOL


Lahat nalang ng statement ko sa taas, may LOL.. LOTS OF LOVE yan guys.. :)

May bago akong pakulo, sa bawat Chapter kong ipo-post, may quote akong ipopost na galing sa posted Chapter. So keep on commenting and reading guys.. I love you all..


Here goes Chapter 5.




“Oh sige. Ganito nalang. May meeting tayo mamaya. Only me and you. If you don’t show up, you’re fired.”

I turned around at tinungo ang kotse ko saka pumasok at nag-drive papalayo. Habang palabas sa parking lot ay nakita kong nakatayo pa rin si Jared sa labas ng kotse nito and I saw a smile creep into his face from the shock.

********************************************************






CHAPTER 5


RINDEL’S POV


To say I’m surprised is an understatement. Hindi ako makapaniwalang si Jared ang taong nasa harapan ko ngayon. He looked so different. Different in a good way. He’s gorgeous. Lumitaw ang kulay ng mga mata nito. He’s not wearing glasses. He was just good-looking.


“Boss? Are you okay?”, tanong nito sa akin.


I cleared my throat.


“Ahh, oo. Nagulat lang ako. Why are you here this early? Work doesn’t start for at least two hours.”, tanong ko rito.


He smiled.


“I wanted to get you coffee before coming in, but I see that’s already been taken care of.”, sagot nitong nakaturo sa paubos na kape sa lamesa.


“Ahh, I see. I would like to take that offer. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi at kakailanganin ko ang lahat ng makukuha kong caffeine.”, sagot ko rito.


His smile widened.


“Right then, here you go.”


Natawa ako.


“So what brings you here this early in the morning?”, tanong naman nito.


I smiled before answering.


“May mga bagay lang akong pinag-isipan.”


“That bad?”


“Sort of. But hey, thanks for cheering me up.


“It’s no big deal.”


I smiled. We talked a little bit more dahil maaga pa naman. I learned that Jared is adopted. He lost his parent when he was 3 years old in a plane crash. Ang tita niya na ang nag-alaga rito mula noon.


“Do you ever miss your parents?”, naitanong nito sa akin.


Natigilan naman ako.


“Uhm. I don’t talk to my parents much. Are you done with your coffee? Baka malate na tayo niyan.”, sabi ko rito.


My family is something that I don’t want to talk about. 


“Sorry. Yup, tapos na ako boss.”, sabi nalang nito saka tumayo at naglakad palabas ng Starbucks.


I sighed.


Hinabol ko ito.


“Hey Jared. I’m sorry. Ayaw ko lang talagang pag-usapan ang tungkol sa pamilya ko.”


“Oh no, no. It’s okay. Ako nga tong masyado nang naghihimasok sa buhay mo eh.”, he said with an apologetic smile. “Besides, you’re still my boss. You can keep your privacy if you want to.”, dagdag pa nito.


“But we’re not at work. Sabi ko naman sa’yo di ba? Pag wala naman tayo sa office, we can drop the formalities.”, sabi ko rito.


“Nakakahiya pa rin kasi. Lalo na’t hindi ako sanay na tawagin ka sa pangalan mo.”


I shook my head.


“Look, I wanna make it up to you. How about dinner after work?”, sabi ko rito.


I almost facepalmed myself at what I said. Baka kung ano ang isipin niya.       


“No. It’s really okay. It’s no big deal.”, pagtanggi nito.


Just let it go Rindel.


“No, after all kailangan ko ring mag-open up sa mga empleyado ko, and I think this would be a good start.”


“M-Mark, if you want to get to know your employees, you should do it with everyone else.  Hindi yung ako lang. Nakakhiya naman yun.”, namumula ang pisngi nitong pagtanggi.


“Oh sige. Ganito nalang. May meeting tayo mamaya. Only me and you. If you don’t show up, you’re fired.”


I turned around at tinungo ang kotse ko saka pumasok at nag-drive papalayo. Habang palabas sa parking lot ay nakita kong nakatayo pa rin si Jared sa labas ng kotse nito and I saw a smile creep into his face from the shock.


He really does look adorable. No. He looks really cute. Oh god! What is wrong with me?!



JARED’S POV



“Look, I wanna make it up to you. How about dinner after work?”, sabi nito sa akin.


I almost choked on my own spit. Is he asking me out? Oh god! Pinilit kong pigilan ang pagpula ng mga pisngi ko. Pero ramdam kong nag-iinit ang mukha ko.


“No. It’s really okay. It’s no big deal.”, pagtanggi ko rito kahit na gustong-gusto kong pumayag sa alok nito.


“No, after all kailangan ko ring mag-open up sa mga empleyado ko, and I think this would be a good start.”


Oh sweet mother of apples! He’s going to kill me with a heart attack. Sa lakas ng kabog ng dibdib ko, parang maha-high blood na ako.


“M-Mark, if you want to get to know your employees, you should do it with everyone else.  Hindi yung ako lang. Nakakhiya naman yun.”, sabi ko rito. Ngayon ay ramdam ko na talaga ang pamumula ng mga pisngi ko.


“Oh sige. Ganito nalang. May meeting tayo mamaya. Only me and you. If you don’t show up, you’re fired.”, bigla nitong sabi na ikinagulat ko naman. He quickly took off after saying that. 

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti nang makaalis na ito.


Ilang minuto pagkatapos nitong umalis ay nakatayo pa rin ako at nakasandal sa pintuan ng sasakyan ko. I’m going on a date, well, meeting with Mark Rindel. But hey, a guy can dream right?


“Hi!”, narinig kong may tumawag sa akin. Napalingon ako sa pinaggalingan ng boses.


“Yes?”, tanong ko rito.


“You’re Roy right? Roy Villanueva?”, tanong nito.


Agad akong kinabahan. I knew someone would recognize me after taking off my disguise pero hindi ine-expect na ganito kabilis.


“I’m sorry. Baka ho kamukha ko lang.”, sagot ko sa babae na sa tingin ko ay nasa early 30s.


“Oh. Sorry, kamukha mo talaga siya eh. I’m Yhen by the way.”, sabi nito saka inabot ang kanyang kanang kamay.


“Jared. I gotta go.”, sabi ko rito matapos makipagkamay rito.


Pumasok ako sa kotse saka nagdrive patungo sa opisina. Shit. She looked like a reporter.


Inalis ko sa isipan ko ang tungkol sa babaeng nakilala ko kanina at dali-daling nag-drive patungo sa opisina.


Dire-deretso akong pumasok sa opisina. I noticed some of my colleagues staring at me like I was crazy or something.


“Ah-Uhm sir, ano po ang sadya nila?”, tanong ni Penny na siyang information officer namin.


“Anong ibig mo sabihin Penny eh papasok lang naman ako sa opisina?”, takang tanoong ko rito.


“Oh my god! Jared!”, halos patili nitong sabi.


“Nambabasag ka ba ng eardrum? Maka-sigaw ka. May opisina tayo. Go back to your section.”, sabi ko rito.


“Oh my. I’m sorry sir. Nagulat lang ako. You look, well, you look hot!”


I chuckled.


“Thank you Penn, pero alam mo naman kung sino ang type ko.”, sagot ko rito.


“Ughh!! The good-looking ones always end up either taken or gay! No offense.”, sabi nito na ikinatawa ko naman. “But what happened? If all these was here all along, bakit mo itinatago?”, tanong nito habang tinututo ang kabuoan ko.


“I have my reasons. Now, go back to your station, I think my client ka.”, sabi ko sabay turo sa lalaking nakatayo sa front desk.


“Right. Sorry.”, sabi naman nito saka umalis.


Nang bumaling ako sa direksyon ng opisina ko ay nakita ko ang mga ekspresyon ng mga katrabaho ko. May mga nakanganga, may nagulat, may nga nangingislap ang mata. Sari-sari. I almost laughed. Pero  pinigilan ko saka dumiretso sa opisina.


Nang makapasok ay agad kong tinawagan si Krista.


“Putang-ina naman Jared! Ang aga-aga! Siguraduhin mo lang na may maganda kang rason para tawagan ako ng ganito kaaga ha!”


“Wow. I see you’re still not a morning person.”


“Shut up and tell me what you want.”


“How can I tell you if you’re telling me to shut up?”


“Talk Jared! Or I swear to god, I will rip of your balls!”


Tumawa ako.


“Alright, calm down. I saw Rindel early today at Starbucks. We talked and somehow he ended up asking me out for dinner.”


“Oh my god! What did you say? You said yes right?”


I chuckled.


“He didn’t exactly leave me with a choice. Though it’s not a date. It’s a meeting. Oh and he threatened me to show up or I’m fired.”


“Well, I see he is still an ass, pero it’s a good start. I’m happy for you Jared. You’re one of those persons na alam kong deserving na sumaya.”


“Thanks Kris.”


“Don’t sweat it. I will need details the moment it’s over okay?”, sabi nito.


Tumawa naman ako.


“O siya. Bye. I love you.”, sabi ko saka tinapos na ang tawag.


I turned towards my door pagkatapos ng tawag at laking gulat ko nang makita ko si Rindel na nakasandal sa doorframe with a smile on his face.


“I-I, kanina ka pa ba sir?”, tanong ko rito.


“Not long enough.”, sabi nito at mas lalo pang lumuwang ang ngiti nito.


I felt myself blush. God! I should die right now!


“So, you should’ve told me you wanted a date. I would have willingly obliged.”


And my day just keeps on getting interesting.


TO BE CONTINUED....




*******************************************************

Please don't kill me, I really tried to make it a little bit longer. Pero deadline na eh. Last day of the week, so, I'm going to post this.

Ayan... Tapos, mag-cocomment kayo na BITIN... Eh at least may aabangan pa kayo.. Sense of mystery.. hahaha!

Love you guys..

<3PENSandPAPERS